I am a 30 year old plain house wife since 2005, simula nag asawa ako, umikot nalang ang buhay ko sa asawa, anak at bahay. Nagresign ako sa trabaho para mabigyan ng sapat na atensyon ang aking pamilya, maalagaan at magabayan ng husto ang aking 2 anak. Year 2008 my husband went abroad dahil sa hirap ng buhay, nagbakasakali sya sa ibang bansa dahil sa pangarap nyang maitaguyod ng maayos ang aming pamilya.mahirap at msakit isipin bakit kailangan pa nyang malayo sa amin. Lumipas ang 2 taon na hindi namin siya kasama, ang aming mga anak ay nagsimula nang magtanong kung bakit malayo at hindi namin kasama ang kanilang daddy.Nasasaktan ako sa twing nakikita ko silang naiinggit sa mga batang kasama ang kanilang daddy. Sa pagkakataong yun nagsimula na akong mapaisip, bakit nga ba kailangan magkalayo ang pamilya. Nagsimula akong mag apply ulit ng trabaho para makatulong sa aking asawa, hindi ko matiis na iwan kahit sindaling oras ang aking anak, kaya itinigil ko din.Nagsimula na akong madepress, at ang tanging naisip ko nalang ay ang umasa sa himala at swerte..LOTTO ang unang pumasok sa aking isipan, halos araw araw tumataya ako sa lotto at umaasang papalarin.Isang gabi nakalimutan ko panoorin sa tv ang bola ng tumama sa lotto kaya naisipan ko na buksan nalang ang site ng lotto at dun tingnan ang mga winning numbers.Sa pagbukas ko ng site ng lotto isang banner ang umagaw ng aking atensyon, ang banner ng Sulit.com.ph.Hindi ko alam kun anong pwersa ang nagtutulak sa akin para iopen ang site na ito.It was april 2010, nagsign up ako sa sulit.com.ph kahit wala akong idea kung ano ito, pinag-aralan ko kung paano gamitin ang site,una kong nakita ang mga ads ng PTC, naakit ako sa mga earnings na nakalgay sa kanilang ads kaya hindi ako nagdalawang isip na mag sign up din.pero hindi ako nasiyahan, masyado mabagal kumita. i kept browsing sa site ng sulit, ang forum section ang madalas ko tamabayan dahil naaliw ako sa mga usapan dito, minsan nagsishare din ako ng mga opinyon ko pero madalas ako may violation, may rules ang regulations pala (sorry tamad po talaga ako magbasa).Lumipas ang mga araw at linggo, unti-unti ko na nagagamay at nalalaman ang purpose ng Sulit.com.ph sa aking buhay.Marami akong nakilalang online sellers and suppliers.Nag inquire ako sa kanila hanggang sa matutunan ko na din mag-online selling, nasubukan ko maging resseler ng mga bags, accessories atbp.Ginamit ko din ang sulit para mag ahente.Nabenta ko ang sasakyan ng tita ko sa tulong ng sulit, walang kahirap hirap, sa loob ng 1 week kumita ako ng P10,000 as commision s binenta kong sasakyan.salamat sa sulit.Malaking tulong para pang dagdag sa negosyo, tumagal ako ng 3 mos.sa online selling.Pinaikot at pinalago ang P10,000 na kinita ko sa pag aahente gamit ang sulit.com.ph.Hindi na ako msyado active ngayon sa online selling dahil may maliit na akong pwesto ng mga accessories, bags at divisoria items, simple lang pero kumikita at higit sa lahat kasama at nababntayan ko parin ang aking 2 anak.Sa ngayon nakkaipon na kami at hindi na ako naloloka sa kaiisip kung papaano ko matutulungan kumita ang aking asawa dahil alam ko hirap din siya itaguyod ang aming pamilya kaya dapat talaga magtulungan kami.Hindi naman ako nagsisi na ginugol ko ang mahabang panahon sa pagiging plain house wife, fulfillment na din para sa akin bilang isang babae ang mapagsilbihan ang aking pamilya at mapalaki ng maayos ang aking mga anak dahil ako mismo ang gumabay sa kanila.At higit sa lahat dahil sa tulong ng sulit hindi na babalik ang aking asawa sa abroad after ng kanyang contract, sa march 2011, uuwi na siya at nangakong hindi na sya babalik sa abroad, hindi tulad dati ng wala pa akong maliit negosyo, buo pa ang isip nya na muling bumalik sa abroad.Kaya sa kanyan pag uwi mas malulubos na ang kasiyahan namin dahil alam kong hindi na sya muling malalayo pa sa amin ng mga anak namin, dahil dito nalang sya muling magtatrabaho, yan ay dahil sa SULIT.COM.PH, kung hindi dahil sa sulit hindi ako magkakaron ng idea na magnegosyo. Hindi man ako tumama sa lotto, daig ko parin ang naka jackpot dahil magiging masaya ang buo kong pamilya at hindi na muling magkakahiwalay pa.
Hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ng salapi o ginto ang kasiyahan na makasama ang pamilya.
SALAMAT PO SULIT.COM.PH MORE POWER AT NAWA'Y MADAMI PANG TULAD KO ANG MABIGYAN NG BAGONG PAGASA NG DAHIL SA INYO..